Higit isang (1) dekada na ang nakalipas ng simulan ng Hagonoy Water District na mag-ambag sa kalinangan, pagpapayaman at preserbasyon sa kultura at tradisyong Hagonoy na sumasalamin sa pagkakakilalanlan ng kaniyang dakilang mamamayan. Makikita ito sa taunang paglalabas ng mga kalendaryo ng kasaysayang bayan at minsan na ring nagdaos ng Mural Painting Competition para sa mga batang mag-aaral sa Pampubliko at Pribadong Elementarya.
Bilang pagpapatuloy sa naturang tradisyon at pagpapahalaga sa sining at kultura ay idinaos noong ika-10 ng Oktubre 2016 ang Likhang Kamay-HWD Inter-High School Poster Making Contest, sa ika-apat na palapag ng Gusaling Ka Blas F. Ople, na may temang: “Tubig at Bayan Magkasaysayan, HWD 40 Taon Kasama N’yo!”
Nakamit ni Imre C. Recto ng Iba National High School ang Unang Gantimpala at tumanggap ng tropeyo at 5 libong piso. Naiuwi naman kapwa nina Carl Jesus C. Guanzon at Robert V. Dela Cruz ng Ramona S. Trillana High School ang Ikalawa at Ikatlong Gantimpala na tumanggap ng tropeyo at tig-iisang libong piso sina Mary Rose I. Domingo at Andrea Jhowen G. Flores ng San Pedro NHS; Jonash B. Atienza at Von Aldrin DR. Baylon ng Santiago Trillana Academy; Weelee M. Serrano at John Irish B. Sunga ng Sta. Monica NHS; Marica R. Mendoza ng Iba NHS; Andrea S. Juarez ng Saint Anne’s Catholic School; at Shiela Maye S. Aquimbag ng Victory Global Technological College Inc. Pinagkalooban din ng Sertipiko ng Partisipasyon ang lahat ng lumahok sa nasabing patimpalak.
Kabilang sa mga naging hurado sina G. Cesar Cruz, at Wil Reyes ng Hagonoy Art Group, Gng. Flordeliza Manlapaz ng Tanggapan ng Pambayang Turismo, G. Adie Reyes at Prof. Soliman A. Santos na kapwa may pagmamahal sa sining at kalinangang bayan.
Ang mga obrang nagsipagwagi sa Likhang Kama yang naging tampok sa labindalawang mukha sa mga pahina ng Kalendaryo 2016 ng Hagonoy Water District.