Ang ISO, International Organization for Standardization, ay isang independyente, hindi pampublikong organisasyon, kung saan ang mga kasapi ay mga organisasyong pampamantayan mula sa 163 kasaping bansa. Ito ang pinakamalaking pandaigdigang tagapagsulong ng boluntaryong internasyunal na pamantayan upang paigihin ang pandaigdigang kalakalan sa pagbibigay ng panlahatang pamantayan sa pagitan ng mga bansa. Ito ay itinatag noong 23 Pebrero 1947 at nakabase sa Geneva, Switzerland.
Higit sa 1 milyong organisasyon mula sa higit pang 160 bansa ang nagsipag-aplay sa pamantayan ng kanilang quality management systems. Ang Quality Management System, kilala rin bilang QMS, ay kalipunan ng isang pang organisasyong alituntunin na itinatakda ng katipunan ng mga polisiya, proseso, dokumentadong patakaran at record.
Bilang isang government-owned and/or controlled corporation (GOCC) kabilang na ang lahat ng government financial institutions (GFIs) at iba pang ahensya ng pamahalaan, ay kailangang umalinsunod ng HWD sa itinatadhana ng Executive Order No. 605, s. 2007 o Institutionalizing the Structure, Mechanisms And Standards To implement The Government Quality Management Program, Amending For The Purpose Administration Order No. 161, S. 2006. Subalit higit pa ditto, ay pinaglimiang ibalangkas at ipatupad ng HWD ang ISO 9001:2015 upang higit pang mapalugod at maging kasiya-siya ang paglilingkod nito sa lahat ng mga konsesyonaryo. Upang siguruhin na ang tubig na ipanaglilingkod naming ay ligtas at ang kalidad ngs erbisyo ay pasado sa pandaigdigang pamantayan. At patuloy pang pagbutihin ang serbisyo nito sa pagdaan ng panahon.
Sa pamamagitan ng accredited certifying body na TUVRheinland® ay ipinagkaloob ang Certificate Standard ISO 9001:2015, Certificate Register. No. 01 100 1634797 sa Hagonoy Water District noong February 2, 2017. Ang paggagawad ng sertipiko ay nangangahulugan na ang HWD ay nakapasa sa dalawang (2) yugto ng pagtatasa (audit) at nakitang: sumusunod sa mga, alituntunin ng ISO:9001 standard; tumutupad sa sariling mga pangangailangan; nakatutugon sa pangangailangan ng kosesyonaryo nito; nakasunod sa lahat ng mga minamandato ng batas, polisiya at regulasyon, at napananatili ang tamang dokumentasyon. Sinisiguro ng ISO 9001:2015 (QMS) na an gaming mga konsesyonaryo ay makatanggap ng pinakamataas na kalidad ng tubig at serbisyo, na sa kabilang banda ay magdudulot ng iba’t-ibang benepisyo kaakibat ng nasisiyahang mga konsesyonaryo, pangasiwaan at mga kawani.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng Lupon ng Patnugutan sa pamunuan at sa lahat ng mga kawani sa natanggap nitong napakataas na grading 90% (Very High) sa customer satisfaction survey na isinagawa mula Enero hanggang Marso 2017. Ito ay balasak na grado mula sa tatlong magkakasunod na hiwalay na pagtatasa. Patunay lamang na katangi-tangi pa rin ang antas at kalidad ng serbisyo ng Hagunoy at maging sa 3 barangay sa kanugnog na bayan ng Paombong.